Thursday, March 24, 2011

Ang Talambuhay ni Jona Baldiweza


Sa Barangay San Joaquin San Pablo City nakatira ang aking mga magulang na sina Rowena Baldiweza at Ernie Baldeweza. Sila ay may Tatlong anak na iyon ay sina ate Joan, kuya Erwin at kuya Arvie. Dalawang taong gulang pa lamang daw si kuya Arvie ng ako ay ipag- buntis ng aking ina. Septyembre 15, 1995, isinilang ako ng aking ina masayang masaya ang mga magulang ko nung araw na iyon. Pinangalanan nila akong Jona. Ang pangalan ko ay kinuha sa pangalan ng aking kapatid na panganay. Bininyagan ako sa simbahan ng katoliko sa Saint Francis Calihan. Ginabayan ako ng aking mga magulang at aking mga ninong at ninang hangang sa aking pag-laki.




 Dumating ang araw ng aking unang kaarawan masayang Masaya ako nung araw na iyon kahit na  kounting salo- salo lang ang naibigay ng aking mga magulang dahil madami naman akong natangap na regalo. Dumaan pa ang aking mga kaarawan at ng ako ay nag-limang taong gulang na ay nag- simula na akong sa aking pag-pasok sa eskwelahan. Nag kinder ako sa Barangay San Joaquin, palagi akong hinahatid at sinusundo ng aking ina sa aking eskwelahan. Palagi niya akong binibilhan ng pag-kain,pinapalitan ng damit, iniipitan ng buhok at pinapakain tuwing tanghali.


 Hindi niya ako iniiwan hangat hindi pa tapos ang aking klase, pero sa kasamaang palad ay kinailangan kong huminto sa aking pag- aaral dahil ako ay nag- kasakit. Pinagpatuloy ko ang aking pag- aaral nung ako ay nag- anim na taong gulang. Pumasok ako ng unang baiting sa Paaralang Villonco Elementary School, at dahil sa pag-mamahal ng aking ina sa akin ay ganon parin ang lagi nyang ginagawa. Hindi pa din niya ako iniiwan hanggat hindi pa tapos ang aking klase.


 Pag- kakauwi naming sa aming bahay ay nakikipag-laro na ako sa aking mga kalaro. Nag lalaro kami ng Taguan, Habulan at iba pa. Marami akong nagging kaibigan simula ng ako ay nag-aral. Sila ay sina Karen, Cristine Joy at Mary Grace. Sila ang aking mga Kaibigan hanggang sa kami ay nasa Ika- anim na Baitang. Nasa Ikatlong Baitang ako ng palagi akong inilalaban ng sayaw na folk dance ng aking pinsan dahil ako ang napili ng aming principal. Siyam na taong gulang ako ng muling mabuntis ang aking ina at iyon ay si aron. Simula noon ay pumapasok na akong mag- isa sa eskwelahan. Nag karoon ako ng bagong matalik na kaibigan, iyon ay si Mary Joy siya ay kapatid ni Mary Grace. Palagi ko silang kasama, lumalaban kami ng sayaw tuwing fiesta sa aming Baranggay. Sumasayaw din kami sa aming eskwelahan tuwing may okasyon. Nasa ika- anim na Baitang na kami ay palagi parin kaming mag-kakasama at mag-kakakulitan. Palagi kami nag-lalaro ng Chinese garter. Masaya kami dahil sa wakas ay makakapag- tapos na kami ng elementary, pero may lungkot din kasi mag-kakahiwahiwalay na kaming mag-kakaibigan. Dumating ang araw na aming pinakahihintay, ang araw ng aming pag-tatapos at pag tangap ng aming Diploma. Nag-handa ang aking mga magulang ng araw na iyon maraming bumati sa akin at marami din akong natangap na mga regalo. At nung araw ng bakasyon naman ay nanonood kami ng liga sa aming baranggay cheerer kami ng aming mga tropang manlalaro. Tuwing Bakasyon nag-kakaroon ng Reunion ang aming pamilya. Tuwing buwan ng mayo ay nag sisimba kami sa Dolores Quezon at Pag- katapos mag-simba ay nag suswiming kami. Masaya kaming lahat dahil nagkakaroon kaming mag- pipinsan ng maganda at masayang samahan. Pag-katapos ng ilang buwang bakasyon, balik eskwelahan na ulit ngunit ibang eskwelahan na, ibang kaklase at ibang mga guro na. Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ako nag enrol ng 1st year at 2nd year High School. Sa unang araw ng pasukan ay kinakabahan ako, Ngunit hindi nag-tagal ay nasanay din ako nag-karoon ulit ako ng maraming kaibigan.
. Pag-kakatapos ng aming klase ay umuwi agad ako kasabay ang aking mga pinsan, tinutulungan ko ang aking ina sa mga gawaing bahay dahil nagtatraboho na ang aking ate at kuya si kuya arvie naman ay napasok din. Tuwing pasko lagi kaming may bagong damit at sapatos na sinosuot para sa aming pamamasko sa aming mga ninong at ninang. Sama sama kaming namamasko ng aking mga pinsan pinupuntahan din naming an gaming mga lolo at lola. Tuwing bagong taon naman ay sama-sama naming pinag-sasalohan aming handa kahit kaunti lamang ito. Masaya naming sinasalubong ang bagong taon. Pag-katapos ng pasko at bagong taon balik eskwelahan na ulit, pero Masaya naman dahil palagi ko kasama ang aking mga kaibigan. Pag-katapos ng ilang buwan bakasyon na ulit. Nood ulit ng liga, Cheerer pa din ako ng aking mga tropa at pinsan. Pag-katapos ng liga, Mayuhan naman at isa ako sa mga napiling mag-reyna sa santa krusan sa aming baranggay. Noong unang beses akong nag- reyna nahihiya ako at kinakabahan, pero dahil sa palagi na rin akong kinukuha nasanay na rin ako. Nakatulong ito sa akin dahil nabawasan ang aking pagka-mahiyain. Pag-katapos ng bakasyon balik eskwelahan na ulit, pero ibang eskwelahan na ulit 3rd year high School na ko napag-pasyahan ng aking mga magulang na ilipat ako sa San Vicente Memorial National High School, mahirap man at malungkot kailangan kong sumunod dahil iyon ang gusto ng aking mga magulang. Panibagong pakikisamahan na naman, pero dahil palakaibigan naman ako hindi naman ako nahirapang makahanap ng mga bagong kaibigan.


 Sa paaralang ito ako naka-experience na umatend ng JS Prom, kasama ko ang aking mga bagong kaibigan. Masaya ako noon kasi sinayaw ako ng crush ko, madami din nag-sayaw sa akin mga kaklase ko at mga kakilala ko. Sa school na ito marami akong naranasan mas naging matured ang pag-iisip ko, natutunan kong mag-pakatotoo sa lahat ng bagay. Natuto akong mag-aral mabuti at dahil don nakakasali ako sa mga top 10 sa section naming. Maraming magagandang bagay ang naranasan at natutunan ko sa paaralang ng San Vicente. Taong 2010 4th year High school na ako, lumipat ulit ako ng eskwelahan sa Dizon High na ulit ako pinapasok ng aking mga magulang para daw kasabay ako palagi ng aking mga pinsan, dahil iyon ang gusto nila sinunod ko ulit sila. Kahit nahihirapan ako ng palipat-lipat ng eskwelahan nag-papasalamat parin ako sa kanila dahil pinag-aaral nila ako, kahit minsan hindi sapat iyong binibigay nila naiintindihan ko iyon dahil alam kong madami kami at mahirap ang buhay. Ang mahalaga nakakapag-aral ako at malapit na akong makapag-tapos. Naging Masaya din aman ako sa aking muling pag-lipat sa Dizon High dahil nag-kita-kita ulit kami ng aking mga dating kaklase at kaibigan, iyon nga lang hindi ko na sila nagging kaklase. Meron akong nagging bagong kaibigan at talagang mabait, siya ay si Vera lagi kaming mag kasama,mag-kakulitan at mag-kakwentuhan. 


Nag-sasabihan kami ng mga problema lalo na pag-tungkol sa Boy Friend namin. Madami din naman akong kaibigan at ka close sa ibang Section. Buwan ng Octobre nag-karoon ng Baranggay Eleksyon, tumakbo akong SK Kagawad at nanalo naman ako. Desyembre 1, 2010 nag simula kaming manungkulan sa aming Baranggay. Ang aming SK Chairman ay ang aking pinsan. Marami na kaming nagawang activities para sa mga kapwa kabataan namin. Masaya aman kasi nagiging- matagumpay lahat ng plano naming at nag-kakaroon pa kami ng pondo. Mas lalo ako maraming naging kaibigan at kakilala.


 Minsan napapagalitan ako kasi masyado na abala pero ayos lang kasi kasalanan ko naman at alam kong para sa ikabubuti ko din naman iyon. Minsan Hindi ko nga lang maiwasan na hindi mag-tampo sa kanila dahil pito kaming mag-kakapatid, nakakaramdam ako ng selos sa mga kapatid ko pero naiintindihan ko naman sila. Mag-sisikap akong mabuti para hindi masayang ang pinag-hirapan ng aking mga magulang at para maabot ko ang aking mga pangarap sa buhay. Pag nakapag-tapos ako tutulong ako ang aking mga magulang at mga kapatid ko kasi may mga asawa na ang aking ate at kuya. Kayo panahon na para ako naman ang tumulong sa kanila.






Mula Kay:Jona Baldiweza
Maraming salamat po sa pagbasa.          

No comments:

Post a Comment