![]() |
ako |
![]() |
ako at ang aking mga pinsan |
Nang ako ay magtatlong taong gulang na pinapasok na ako ng aking mga magulang sa paaralan kasama ko noon ang aking pinsan na si ate aan. Sabay kami laging pumapasok sa paaralan noon. Naalala ko pa noon na may parada kami ng aming buong klase kaso hindi ako nakasama dahil noong bata pa ako napaka masasakitin ko, ng marinig ko ang musiko ko malapit sa tapat ng aming bahay agad akong tumakbo sa may binta upang tingnan ang aking mga kaklase syempre para akong artista noon lahat ng mga kaklase ko kumakaway sa akin kulang na lang lumapit at himingi ng aking pirma. Dahil sa pagiging masakitin ko madalas akong lumiliban sa klase kaya tuloy akala ko din a ko makakapagtapos ng pre-elem pero mahal ako ni bro kasi nabigayan ako ng diploma ni ma’am Edna, napakasaya ko ng mga araw na iyon tanda ko pa ang theme ng aming pagtatapos “hawaiian” isa yun sa pinakamasayang araw ng buhay ko.
![]() |
graduation ko noong grade six |
Panibagong hamon na naman ng buhay ang susuungin ko at syempre kakayanin ko to para sa mga taong lubos na nagmamahal at nagpapahalaga sakin. Sinabi ng aking tita na pagaaralin daw nya ko sa private school. Sa unang araw ng pauskan tuwang-tuwa kaming magpipinsan dahil sabay-sabay kaming papasok sa paaralan. At ng kalagitaan ng taon nagpasya ang aking ina na mangibang bayan dahil mag sesekondarya na rin ang aking kapatid, nalungkot ako ng malaman ko yun kasi kaunaunahang pagkakataon na malalayo ang aming ina sa amin pero ngayon naiintindihan ko na ang lahat.
Ito na ang pinakahihintay namin, ang bakasyon. Di kagaya nung mga nakaraang bakasyon, bago ang destinasyong naming nagyon kung dati ay dito lang kami sa aming bahay o kay sa aming lola ngayon dun kami sa maynila magbabakasyon at di namin kasama ang aming mga magulang. Masaya kami ng nagbakasyon malalapit lang ang mga malls doon nilalakad lang naming at di tulad dito na kapag nakapambahay kang pumunta sa mga malls kulang na lang tunawin ka sa titig ng mga taong mapanghusga sa kapwa ngunit doon hindi pinapansin ang mga ganong pananamit basta may pera ka pede kang pumunta.
Isang araw lumipat kami sa kabilang bahay para magkompyuter ng aking bestfriend na pinsan ko rin at the same time, tapos lumabas sila ng aking kaptid para bumalik sa kabilang bahay ng may marinig silang mga boses ng mga babaeng nagtatawanan sa may kabilang apartment. Bumalik sila upang tawagan kami, lumabas ako para silipin ang mga dalaga ng bigla kong makita ang isang magandang dilag. Naglakas loob akong alamin ang kanyang number at di ko inaasahang ipapaalam niya ito sa akin. Nang matapos kaming magkompyuter agad kaming umuwi sa malaking bahay, nagtungo kagad ako sa may telepono at tinawagan ko siya kaagad, madalas kaming magpalitan ng tawag noon hanggang sa isang araw di ko inaasahang ang mga salitang ito ay binibigkas na ng aking mga labi “mahal kita JOY, kung iyong mamarapatin maaari bang ika’y aking ligawan?” at ang sagot niya sa akin ay “pagiisipan ko muna..” bigla akong nalungkot ngunit sabi ko sa sarili ko hindi ako titigil dahil mahal ko siya. Isang gabi tinawagan ko siya, marami siyang tinatanong sa akin at lahat naman yun ay sinasagot ko ng buong puso bigla na lang niyang sinabi na pumapayag na siyang ligawan ko siya, sobrang saya ko nun di ko maipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman ko. Lumipas ang mga araw di na ako makapagpigil na maging kami kaya tinanong ko na siya ang sabi ko ay “ano na ba tayo?” ang sagot niya ay “ano bang gusto mo?” walang paliguy-ligoy ay sinabi kong “maging tayo…” kaunting katahimikan at biglang may nagwikang “ oo” doble o triple ang sayang aking nadama ng gabing iyon.
Umuwi na kami ng Laguna kasi malapit na ang pasukan kailangan pa naming mag-ayos ng mga gamit at mga kailangan sa school. Kinausap ako ni mama na kailangan kong lumipat ng paaralan dahil baka kulangin kami sa budget dahil dalawa na kaming papasok ng sekondarya. Napili kong pumasok sa CLDDMNHS dahil may nagtapos din akong pinsan doon si ate Camille.
Nung unang araw ko sa pagpasok sa bago kong school kinakabahan ako pero masaya din, hindi ko kasi alam ang mga patakaran at mga ugali ng mga taong makakasalamuha ko sa paaralang iyon. May mabait na kumausap sa akin na dalawa kong kaklase, sila ang lagi kong nakakasama ng mga panahomng nagaadjust pa ako sa paaralan namin, tinuruan din nila akong maggitara, ang paggitara sa akin ay isang malaking panagrap kaya nagpapasalamat ako sa kanila.
![]() |
noong js |
![]() |
noong concert |
No comments:
Post a Comment