Thursday, March 24, 2011

Ang Talambuhay ni Jona Baldiweza


Sa Barangay San Joaquin San Pablo City nakatira ang aking mga magulang na sina Rowena Baldiweza at Ernie Baldeweza. Sila ay may Tatlong anak na iyon ay sina ate Joan, kuya Erwin at kuya Arvie. Dalawang taong gulang pa lamang daw si kuya Arvie ng ako ay ipag- buntis ng aking ina. Septyembre 15, 1995, isinilang ako ng aking ina masayang masaya ang mga magulang ko nung araw na iyon. Pinangalanan nila akong Jona. Ang pangalan ko ay kinuha sa pangalan ng aking kapatid na panganay. Bininyagan ako sa simbahan ng katoliko sa Saint Francis Calihan. Ginabayan ako ng aking mga magulang at aking mga ninong at ninang hangang sa aking pag-laki.




 Dumating ang araw ng aking unang kaarawan masayang Masaya ako nung araw na iyon kahit na  kounting salo- salo lang ang naibigay ng aking mga magulang dahil madami naman akong natangap na regalo. Dumaan pa ang aking mga kaarawan at ng ako ay nag-limang taong gulang na ay nag- simula na akong sa aking pag-pasok sa eskwelahan. Nag kinder ako sa Barangay San Joaquin, palagi akong hinahatid at sinusundo ng aking ina sa aking eskwelahan. Palagi niya akong binibilhan ng pag-kain,pinapalitan ng damit, iniipitan ng buhok at pinapakain tuwing tanghali.


 Hindi niya ako iniiwan hangat hindi pa tapos ang aking klase, pero sa kasamaang palad ay kinailangan kong huminto sa aking pag- aaral dahil ako ay nag- kasakit. Pinagpatuloy ko ang aking pag- aaral nung ako ay nag- anim na taong gulang. Pumasok ako ng unang baiting sa Paaralang Villonco Elementary School, at dahil sa pag-mamahal ng aking ina sa akin ay ganon parin ang lagi nyang ginagawa. Hindi pa din niya ako iniiwan hanggat hindi pa tapos ang aking klase.


 Pag- kakauwi naming sa aming bahay ay nakikipag-laro na ako sa aking mga kalaro. Nag lalaro kami ng Taguan, Habulan at iba pa. Marami akong nagging kaibigan simula ng ako ay nag-aral. Sila ay sina Karen, Cristine Joy at Mary Grace. Sila ang aking mga Kaibigan hanggang sa kami ay nasa Ika- anim na Baitang. Nasa Ikatlong Baitang ako ng palagi akong inilalaban ng sayaw na folk dance ng aking pinsan dahil ako ang napili ng aming principal. Siyam na taong gulang ako ng muling mabuntis ang aking ina at iyon ay si aron. Simula noon ay pumapasok na akong mag- isa sa eskwelahan. Nag karoon ako ng bagong matalik na kaibigan, iyon ay si Mary Joy siya ay kapatid ni Mary Grace. Palagi ko silang kasama, lumalaban kami ng sayaw tuwing fiesta sa aming Baranggay. Sumasayaw din kami sa aming eskwelahan tuwing may okasyon. Nasa ika- anim na Baitang na kami ay palagi parin kaming mag-kakasama at mag-kakakulitan. Palagi kami nag-lalaro ng Chinese garter. Masaya kami dahil sa wakas ay makakapag- tapos na kami ng elementary, pero may lungkot din kasi mag-kakahiwahiwalay na kaming mag-kakaibigan. Dumating ang araw na aming pinakahihintay, ang araw ng aming pag-tatapos at pag tangap ng aming Diploma. Nag-handa ang aking mga magulang ng araw na iyon maraming bumati sa akin at marami din akong natangap na mga regalo. At nung araw ng bakasyon naman ay nanonood kami ng liga sa aming baranggay cheerer kami ng aming mga tropang manlalaro. Tuwing Bakasyon nag-kakaroon ng Reunion ang aming pamilya. Tuwing buwan ng mayo ay nag sisimba kami sa Dolores Quezon at Pag- katapos mag-simba ay nag suswiming kami. Masaya kaming lahat dahil nagkakaroon kaming mag- pipinsan ng maganda at masayang samahan. Pag-katapos ng ilang buwang bakasyon, balik eskwelahan na ulit ngunit ibang eskwelahan na, ibang kaklase at ibang mga guro na. Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ako nag enrol ng 1st year at 2nd year High School. Sa unang araw ng pasukan ay kinakabahan ako, Ngunit hindi nag-tagal ay nasanay din ako nag-karoon ulit ako ng maraming kaibigan.
. Pag-kakatapos ng aming klase ay umuwi agad ako kasabay ang aking mga pinsan, tinutulungan ko ang aking ina sa mga gawaing bahay dahil nagtatraboho na ang aking ate at kuya si kuya arvie naman ay napasok din. Tuwing pasko lagi kaming may bagong damit at sapatos na sinosuot para sa aming pamamasko sa aming mga ninong at ninang. Sama sama kaming namamasko ng aking mga pinsan pinupuntahan din naming an gaming mga lolo at lola. Tuwing bagong taon naman ay sama-sama naming pinag-sasalohan aming handa kahit kaunti lamang ito. Masaya naming sinasalubong ang bagong taon. Pag-katapos ng pasko at bagong taon balik eskwelahan na ulit, pero Masaya naman dahil palagi ko kasama ang aking mga kaibigan. Pag-katapos ng ilang buwan bakasyon na ulit. Nood ulit ng liga, Cheerer pa din ako ng aking mga tropa at pinsan. Pag-katapos ng liga, Mayuhan naman at isa ako sa mga napiling mag-reyna sa santa krusan sa aming baranggay. Noong unang beses akong nag- reyna nahihiya ako at kinakabahan, pero dahil sa palagi na rin akong kinukuha nasanay na rin ako. Nakatulong ito sa akin dahil nabawasan ang aking pagka-mahiyain. Pag-katapos ng bakasyon balik eskwelahan na ulit, pero ibang eskwelahan na ulit 3rd year high School na ko napag-pasyahan ng aking mga magulang na ilipat ako sa San Vicente Memorial National High School, mahirap man at malungkot kailangan kong sumunod dahil iyon ang gusto ng aking mga magulang. Panibagong pakikisamahan na naman, pero dahil palakaibigan naman ako hindi naman ako nahirapang makahanap ng mga bagong kaibigan.


 Sa paaralang ito ako naka-experience na umatend ng JS Prom, kasama ko ang aking mga bagong kaibigan. Masaya ako noon kasi sinayaw ako ng crush ko, madami din nag-sayaw sa akin mga kaklase ko at mga kakilala ko. Sa school na ito marami akong naranasan mas naging matured ang pag-iisip ko, natutunan kong mag-pakatotoo sa lahat ng bagay. Natuto akong mag-aral mabuti at dahil don nakakasali ako sa mga top 10 sa section naming. Maraming magagandang bagay ang naranasan at natutunan ko sa paaralang ng San Vicente. Taong 2010 4th year High school na ako, lumipat ulit ako ng eskwelahan sa Dizon High na ulit ako pinapasok ng aking mga magulang para daw kasabay ako palagi ng aking mga pinsan, dahil iyon ang gusto nila sinunod ko ulit sila. Kahit nahihirapan ako ng palipat-lipat ng eskwelahan nag-papasalamat parin ako sa kanila dahil pinag-aaral nila ako, kahit minsan hindi sapat iyong binibigay nila naiintindihan ko iyon dahil alam kong madami kami at mahirap ang buhay. Ang mahalaga nakakapag-aral ako at malapit na akong makapag-tapos. Naging Masaya din aman ako sa aking muling pag-lipat sa Dizon High dahil nag-kita-kita ulit kami ng aking mga dating kaklase at kaibigan, iyon nga lang hindi ko na sila nagging kaklase. Meron akong nagging bagong kaibigan at talagang mabait, siya ay si Vera lagi kaming mag kasama,mag-kakulitan at mag-kakwentuhan. 


Nag-sasabihan kami ng mga problema lalo na pag-tungkol sa Boy Friend namin. Madami din naman akong kaibigan at ka close sa ibang Section. Buwan ng Octobre nag-karoon ng Baranggay Eleksyon, tumakbo akong SK Kagawad at nanalo naman ako. Desyembre 1, 2010 nag simula kaming manungkulan sa aming Baranggay. Ang aming SK Chairman ay ang aking pinsan. Marami na kaming nagawang activities para sa mga kapwa kabataan namin. Masaya aman kasi nagiging- matagumpay lahat ng plano naming at nag-kakaroon pa kami ng pondo. Mas lalo ako maraming naging kaibigan at kakilala.


 Minsan napapagalitan ako kasi masyado na abala pero ayos lang kasi kasalanan ko naman at alam kong para sa ikabubuti ko din naman iyon. Minsan Hindi ko nga lang maiwasan na hindi mag-tampo sa kanila dahil pito kaming mag-kakapatid, nakakaramdam ako ng selos sa mga kapatid ko pero naiintindihan ko naman sila. Mag-sisikap akong mabuti para hindi masayang ang pinag-hirapan ng aking mga magulang at para maabot ko ang aking mga pangarap sa buhay. Pag nakapag-tapos ako tutulong ako ang aking mga magulang at mga kapatid ko kasi may mga asawa na ang aking ate at kuya. Kayo panahon na para ako naman ang tumulong sa kanila.






Mula Kay:Jona Baldiweza
Maraming salamat po sa pagbasa.          

Sunday, March 13, 2011

4f

Mamimiss ko ang 4f speacialy my ONE AND ONLY BEST FRIEND-JOWIN ALCANTARA tyaka si pangarap ko...

MEAn Hir..

Sunday, March 6, 2011

Ang talambuhay ni Michael Angelo Bondad


                       
ako
Ayon sa aking tatay nung bago daw sila magtapos ng kanilang pag-aaral ay magkasintahan  na sila ng aking ina, nung sila ay nagtapos na hindi sinasadyang nabuo na  nila ako. Para hindi malaman ng ng aking mga lola ay muntik na nila akong ipalaglag magkaganun pa man sila ay magy takot sa diyos at naisip nilang masamang gawain yun, kaya ngayon ako buhay na buhay. Hanggang sa dumating na nga ang panahon na ako’y isisilang na ng aking ina. Sumapit ang araw na pinakahihintay nila Oktubre   26, 1994  ito ang araw ng aking pagsilang ang araw na pinaka hihintay ng aking mga magulang. Bakas sa muka ng aking mga magulang ang kagalakan ng makita nila ang ang kanilang anak.
ako at ang aking mga pinsan
Naikwento pa ng aking lola noon na nung una kong kaarawan maraming silang inihanda, patunay dito ang mga litrato na ipinakita nya sakin. Kasunod nito ay ang pagdadalang tao ng aking ina sa pangalwa kong kapatid, si Melody. Masaya ako ng mga  mga panahong iyon kasi alam kong may bago akong magiging kasundo at ng lumabas ang aking kapatid tuwang-tuwa ako lagi ko siyang binabatayan sa kanyang higaan. 
Nang ako ay magtatlong taong gulang na pinapasok na ako ng aking mga magulang sa paaralan kasama ko noon ang aking pinsan na si ate aan. Sabay kami laging pumapasok sa paaralan noon. Naalala ko pa noon na may parada kami ng aming buong klase kaso hindi ako nakasama dahil noong bata pa ako napaka masasakitin ko, ng marinig ko ang musiko ko malapit sa tapat ng aming bahay agad akong tumakbo sa may  binta upang tingnan ang aking mga kaklase syempre para akong artista noon lahat ng mga kaklase ko kumakaway sa akin kulang na lang lumapit at himingi ng aking pirma. Dahil sa pagiging masakitin ko madalas akong lumiliban sa klase kaya tuloy akala ko din a ko makakapagtapos ng pre-elem pero mahal ako ni bro kasi nabigayan ako ng diploma ni ma’am Edna, napakasaya ko ng mga araw na iyon tanda ko pa ang theme ng aming pagtatapos “hawaiian” isa yun sa pinakamasayang araw ng buhay ko.


graduation ko noong grade six
Sa patungtong ko sa elementary, malaking pagkakaiba ang aking nadama siguro dahil marami akong bagong kaklase at maraming napasok na mga bata. Mas lalo pang na doble ang kaba dahil bago ang aming guro, maraming nagsasabing mataray daw at istrikta siya pero  kahit ganon alam kong magiging ayos ang lahat dahil sila ang aming pangalwang magulang. Wala akong gaanong maikwekwento sa buhay ko nung ako ay nasa elementarya, ako kasi yung tipo na estudyateng di palakibo at laging tahimik sa aking upuan. Ngunit  ng dumating na kami ng ikaanim na baitang dun ko lamang naenjoy ang pagiging elementary ko kasi malapit ng magtapos naiimagine ko kasi ang sarili ko pag na sekondarya na ako. Araw-araw kaming nagpapraktis noon para maperpek ang aming gagawin hanggang sumapit na ang araw na yun, naghanda ng kaunti sina papa para sa akin dumating sina tita para batiin ako at kami ay nagkasiyahan maghapon.
Panibagong hamon na naman ng buhay ang susuungin ko at syempre kakayanin  ko to para sa mga taong lubos na nagmamahal at nagpapahalaga sakin. Sinabi ng aking tita na pagaaralin daw nya ko sa private school.  Sa unang araw ng pauskan tuwang-tuwa kaming magpipinsan dahil sabay-sabay kaming papasok sa paaralan. At ng kalagitaan ng taon nagpasya ang aking ina na mangibang bayan dahil mag sesekondarya na rin ang aking kapatid, nalungkot ako ng malaman ko yun kasi kaunaunahang pagkakataon na malalayo ang aming ina sa amin pero ngayon naiintindihan ko na ang lahat.
Ito na ang pinakahihintay namin, ang bakasyon. Di kagaya nung mga nakaraang bakasyon, bago ang destinasyong naming nagyon kung dati ay dito lang kami sa aming bahay o kay sa aming lola ngayon dun kami sa maynila magbabakasyon at di namin kasama ang aming mga magulang. Masaya kami ng nagbakasyon malalapit lang ang mga malls doon nilalakad lang naming at di tulad dito na kapag nakapambahay kang pumunta  sa mga malls  kulang na lang  tunawin ka sa titig ng mga taong mapanghusga sa kapwa ngunit doon  hindi pinapansin ang mga ganong pananamit basta may pera ka pede kang pumunta.



Isang araw lumipat kami  sa kabilang bahay para magkompyuter ng aking bestfriend na pinsan  ko rin at the same time, tapos lumabas sila ng aking kaptid para bumalik sa kabilang bahay ng may marinig silang mga boses ng mga babaeng nagtatawanan sa may kabilang apartment. Bumalik sila upang tawagan kami, lumabas ako para silipin ang mga dalaga ng bigla kong makita ang isang magandang dilag. Naglakas loob akong alamin ang kanyang number at di ko inaasahang ipapaalam niya ito sa akin. Nang matapos kaming magkompyuter agad kaming umuwi sa malaking  bahay, nagtungo kagad ako sa may telepono at tinawagan ko siya kaagad, madalas kaming magpalitan ng tawag noon hanggang sa isang araw di ko inaasahang ang mga salitang ito ay binibigkas na ng aking mga labi “mahal kita JOY,  kung iyong mamarapatin maaari bang ika’y aking ligawan?” at ang sagot niya sa akin ay “pagiisipan ko muna..” bigla akong nalungkot ngunit sabi ko sa sarili ko hindi ako titigil dahil mahal ko siya. Isang gabi tinawagan ko siya, marami siyang tinatanong sa akin at lahat naman yun ay sinasagot ko ng buong puso bigla na lang niyang sinabi na pumapayag na siyang ligawan ko siya, sobrang saya ko nun di ko maipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman ko. Lumipas ang mga araw di na ako makapagpigil na maging kami kaya tinanong ko na siya ang sabi ko ay “ano na ba tayo?” ang sagot niya ay “ano bang gusto mo?” walang paliguy-ligoy ay sinabi kong “maging tayo…” kaunting katahimikan at biglang may nagwikang “ oo” doble  o triple ang sayang aking nadama ng gabing iyon.
Umuwi na kami ng Laguna kasi malapit na ang pasukan kailangan pa naming mag-ayos ng mga gamit at mga kailangan sa school. Kinausap ako ni mama na kailangan kong lumipat ng paaralan dahil baka kulangin kami sa budget dahil dalawa na kaming papasok  ng sekondarya. Napili kong pumasok sa CLDDMNHS dahil may nagtapos din akong pinsan doon si ate Camille.




Nung unang araw ko sa pagpasok sa bago kong school kinakabahan ako pero masaya din, hindi ko kasi alam ang mga patakaran at mga ugali ng mga taong makakasalamuha ko sa paaralang iyon. May mabait na kumausap sa akin na dalawa kong kaklase, sila ang lagi kong nakakasama ng mga panahomng nagaadjust pa ako sa paaralan namin, tinuruan din nila akong maggitara, ang paggitara sa akin ay isang malaking panagrap kaya nagpapasalamat ako sa kanila.
ako

noong js
noong concert
Sa wakas nasa ikaapat na antas na ko ng aking pag-aaral ko sa sekondarya may makikilala nanaman akong bagong mga kaibigan. Isang mainit na hapon noon ng bigla naming maisipang bumuo ng isang banda, naisip naming ang ipangalan ay “soul berry”,  tamang tama kasi may nagpapaaudition, tapos ang matatanggap libre ang jamming at kasama sa concert ng school namin. Dahil sa araw-araw naming pagpapraktis nakapasok kami sa audition. Naghanda kami ng aming banda para sa concert  upang maging maayos ang aming gagawin. Ako si Michael Angelo Carubio Bondad, simpleng estudyate at yan ang buhay ko! J

Sunday, February 20, 2011

Talambuhay ni Mary Ann Velasco

ang aking ama ina ako at ang favorite pet si dimple
ako ng nung ako ay isang taon
Noong 27 ng Mayo isinilang ang bata na nag ngangalang Mary Ann Velasco na nakatira sa Brgy Sta. Ma. Magdalena San Pablo City/ ako ay bunga ng pag iibigan nina Josephine at Benjamin Velasco. Ayon sa aking ina ako daw ay ipinaglihi nya sa manggang  hinog kaya    paburito ko iyon.


ako ng nag graduate ako ng kinder
          Nang ako ay unang pumasok sa day care center na ngayon ay isa nang Libraryhab natatandaan ko ay nag karoon ako ng award na best in langue at naalala korin na tuwing uwian kapag may natira akong baon ibinibigay ko ito san a lilinis n gaming room dahil siya ay may katandaan na noon  masaya ang aking kinder life.



          Pumasok na ako nang grade 1 hanggang grade 6 sa paaralang central ng San Pablo. Marami rin akong naranasan na mga pagsubok noon gaya ng noong akoy nakulong sa loob ng aming banyo dahil siguro hindi nakita ng guro ko na akoy naruruon pa kaya nya ito naisara di ko alam ang aking gagawin kinalampag ko ang pinto ng banyo naming at itoy narinig naman ng guro ko. Nung grage 5 ako ay naparangalan din ng Best in Class. Nung grade six naman lumaban ako ng spelling subalit di pinalad na manalo.

       
ang birds namen
si bachuchay
si Dan dan
si Dimple
mahilig ako sa mga hayop marami kaming alagang hayop. laoves na labs ko ang mga alaga namin

nang ako ay 2nd yr sa LDC
   Nang ako naman ay nag High School pumasok naman ako sa Liceo De Calauan . Noong una an tahimik ko dahilang wala pa akong kilala pero di nag laon ay nagging makulit din ako. Pag kami ay half day kami ay napunta ng mabakan at kami ay natambay sa bahay nang classmate ko. Nang mag 2nd yr naman ako ay mung minsan nag cutting kami at nag punta ng LB para manuod ng Sine pero nahuli kami nung teacher naming kasi may meeting ata sya sa calamba isinumbong kami sa principal at iginaidance kami. Pero ok lang masaya naman. Pero nawala ang lahat nang yun ng sabihin sa akin ng aking magulang na ililipat na ako ng public school dahil sa kakulangan sa Financial pagkat naagasan ang aking ina noon at kailangan ng perang pam paraspa keya pumayag narin ako.

ang p-inakamamahal kong party pipz
Fearless
          Lumpat na nga ako sa paaralang Col. Lauro D. Dizon High National High School. Nung una ay nahirapan akong makibagay sa kanila dahil siguro bago ako sa paningin nila ako ay inaway.pero syempre di naman ako papatalo. Nag kaayos din naman kami bagkus sila panga ang mga nagging barkada ko. Tinawag naming ang aming grupo na Party Pipz. Marami akong natutunan sa kanila na ni minsan ay di ko ginawa sa Calauan tulag nang pag iinum pag kain nang isaw pag tambay sa Kumidor at kung ano anu pa.

ako yan (mean)
class picture ng 4F
ako at si pangarap ko
          Sumapit na ang panahon nang aming 4th yr  masaya pagkat kami parin ang mag kakasama pero malungkot kasi din a kami katulad ng dati nag karoon na kami nang sari sariling lakad. Nagging presedente din ako nang aming section. Una palang ay sinabi kuna sa aking mga kaklase na nais ko na ako ang iboto nila sa eleksyon bilang president. Nang yari nga ang nais kung mangyari. Pero sabi ng aking adviser di nya daw ako ramdam bilang presidente well di ko ipinararamdam sa kanya bagkus ipinapakita ko ito. Sa mata nya wala akong nagawa pero sa mata nang akng mga kaklase ginawa ko ang aking part. Sana ay makatungtung kaming lahat sa entablado at sabay sabayin naming harapin ang buhay ng kolehiyo. AT YAN ANG AKING MAIKLI PERO MAKULAY NA BUHAY

Saturday, February 19, 2011

Ang Aking Talambuhay BuhAy(Jowin Alcantara)

jowin
   Nang ako ay isinilang sa araw nh disyembre 31 taong 1994,ako ang panganay nilang anak sa apat nah mgkkapatid..ngdesisyon silang ipingaln sa akin ay JOWIN ALCANTARA,galing sah kanilang pangalan..ang pangalan ni mama ay JOAN TITULAR at ang kay papa namna ay ERWIN ALCANTARA…Isinilang ako sa San Pablo City.parehas stable ang kanilang mga trabaho..ang trebaho ng aking ina ay GOVERNMENT EMPLOYEE at nag c papa namna ay SEAMAN..dahil ako ang first child nila sila ay masayang masaya
   
1yrs old

   Ay0n sa aking mama nang ako ay mag 1st birthday,maraming bisita ang
dumating,meron mga clowns,sabi nila napakasaya daw and sobrang thank you naman ako sa kanila.
  


unang pag pasok ko
Unang araw ko noon sa pagpasoksa school,sa Christian School ako nila
pumasok,seyempre takot pa daw ako noon ayaw ko pa raw magpaiwan pero habang tumatagal nageenjoy daw ako.Nang ako ay nakagraduate ng nursery,nagka meron daw ako ng medal bilang 3rd honor in our class.   

     
lumaban ako sa singing contest
kinder ako
  Nagtransfer ako sa Canossa Colleges kasi doon ko tlga gusting pumasok eh,sobrang dali pala ng kinder doon,maraming activity,minsan sumali ako sa isang singing contest,habang ako ay nakanta,ang kanta pa nga ay “Laging tapat” by Jolina nakapasa naman ako,seyempre new classmate na naman,bagong titser,nkakapanibagodin,sabi nga ng lola ko ayaw ko nga daw magfpaiwan dun pero nung nasanay na ako,pumayag na daw ako.Sina lola at ang mga pinsan ko ang madalas kong maksama sa bahay,sa Mabini st. pa kmi noon nkatira kasi lagging buzy sa work ang aking mama at papa,lola ko ang nagaalaga sa akin,siya rin ang nagpapakain sa akin sah tuwing tanghali,tapos meron naman kaming katulong sa bahay.
Nang ako ay nag grade 1 na,kami ay lumipat na sa teomora village badajos st ph.3,Masaya ako kasam ang mga pinsan ko sila ang nagging kaibigan ko at kalaro nan rin.
Magdangal,ako ay naiyak sa stage dahil sa sobrang nkakakabado,its my first time pero I won a 3rd place sobra sobra saya ko na at ngeenjoy na ako noon sa Canossa pero ng decide si mama na itransfer ako sa Grace and Truth School(GTS) kasi principal doon ang aking lola.Nagexam ako doon sah school nah yon for God sake.



7yrs old













   Nang ako ay nag 7th birthday piangahanda ako nina mama at ako ay meron pah ngang kutilyon na naganap,napakasaya ko nang araw na yon kahit hindi ko kasama ang aking papa dahil siya ay meron noong trabaho hindi siya nakauwi sah araw ng aking birthday,pero tinwagan namna niya ako noon kya ayos na yon sa akin dahil kahit papaano nabati niya ako noon.Pagkalipas lipas lang ng ilang lingonamatay ang kaisang isang kapatid ni mama seyempre mahirap yon para sa kanila at sa aking mga pinsan dahil wala na silang magulang at syempre kahit ako ay bata ay naapektuhan dn ako sa mga nangyayari sa paligid ligid,namtay siya dahil sa breast cancern.
     Nang ako ay tumuntong ng elementarya,mas naramdaman ko ang aking pagkabata,mas
masrap ang buhay naming dahil parehas meron magandang trabaho ang aking mga
magulang,pero minsan ko lng silang makasama kya mahirap din para sa akin yon
kahit sagana kami at nasusunod ang aking luho kya nasany ako  ng ganon lagi
naman silang wala kayak ay loa kmi naiiwan.Tuwing wlang pasok kung saan saan kmi
namamasyal kung saan saang park mall o kaya swimming minsan,kaya hindi ko yon
makakalimutan,pag napasok maron akong sariling service at tuitor,minsan
pagbakasyon napunta kami sa bahay ni lola para dun magbakasyon sa kanila,madami
din ako dung kalro at kaibigankasama na din ang aking mga pinsan…madalas din
kaming kunin doong reyna kahit nung mga bata pa kmi.Ang hindi ko makakalimutan
dahil tututok ako doon sa pagaaral dahil nakkahiya doon pag merong mababang
grade,pag ako ay nakakakuha ng 88 ako ay naiyak na dahil hindi anko makakasam sa
list ng mga achievers sa aming klase,hanging pa ang tawag namin dun,kaya pag
ganon lalo akong nagaaral kya in God sake nakakasama naman ako,sa paaralang
pinasukan ko ditto ako natutuong mg memorized ng mga memory verse sa
bbible,maraming activities akong sina salihan dati,sumali din ako sa pagddancer
sa school naming,Drum ang Lyre Band nasalihan ko na din ako ayisang majorette
don, tuwing foundation day namin lagi kaming ngccheering sa school npaka saya,
nasali din ako sa “Bible Camp” namin para din naman siyang retreat pra lang un
sa gr 4-6 ang saya dahil lahat ng problema mo at kasalanan mo nasasabi mo
don,nagiiyakan kayo doon,mgkakasamang matulog marami akong karanasan na
naiexperience na,
     Ilang taon na ang lumipas dumating yung time na naghiwalay si mama at si
paap,napkahirap para sa akin yu pero bata pa ako noon kaya wala man lang akong
nagawa para pagayusin sila,ayon ang pinaka malaking pagkakamali ko sa
buhay.Marami sa buhay natin na pangyayari na hindi natin inaasahan dumating kaya
mali kung bibigay ka na lng basta, At ang pinakamahirap pa doon ung pinapipili
nila ako kung saan ako sasama kung kay mama o kay papa, syempre mahirap para sa
akin iyon dahil parehas ko naman gustong samahan,naawa nman ako kay mama kung
kay papa ako sasama,dumating din yung time na sinabi sa akin ni mama na kay papa
daw ako sumama dahil daw kay papa mas masusunod ung luho ko.npakahirap para sa
akin ang nangyari dahil sa murang idad ko nangyari yon sa akin,maraming
naapektuhan pti pag aaral ko nadamay nadin lahat ng grades ko lahata sila
bumaba,madami din sa buhay ko ang nagbago pero nagpapasalamat na din ako dahil
nakilala ko ang mga tunay kong kaibigan na handa ako damayan hanging sa huli.
Hangang sa pagkkataon di ko lubos maisip na mangyayari ang lahat ng iyon sa amin
nang malalaman kong ako ay ililipat na ni mama sa public school ayw ko talga
pumasok,dahil ayoko talga doon,nasanay kasi ako sa ibang buhay sa
sagana.,mahirap pra sa akin ang tanggapin lahat ng iyon.Pero napagisip isip ko
na hindi dapat sayangin yon kahit sa public school ako papasok,alam ko maramong
pagbabago pero tuloy pa rn ang sustento sa akin ni papa pero habanng dumadadaan
ang mga araw masaya din pala kahit medyo iba ang sisitema doon..Habang tumatagal
dumadami na ang kaibigan ko at medyo nasasanay na din ako, sa pangyayaring ito
marami aking natutunan sa buhay ko.kya kelangan mong magtiyaga at makisama
 


ako lang at wala ng iba
  
     Nang ako ay maghighschool na, nag aral ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial
National High School. Madimi new friends and teachers, madami na kaagad ako kakilala doon.1st yr ako at nag adviser ko ay si SIR CALABIA madami ding activity doon tulad ng field demo,bingo ang also ung sciecamp namin.




partypipz
3f na baluga
   Sophomore na ako at ang aking adviser ay si MRS. DELOS ANGELES sa pagkakataong
ito marami na akong karansan na hindi ko rin malilimutan,kasama na ulit doon ung field demo at lagi kaming panalo doon at ang nagtuturo sa amin ai c SIR VICTORIO,at iba pang activities.         

     Juniors na madami na akong bagong kaalman ditto at ang aking napaka bait na advser ay si MAM DEUMANO.nasali na din ako sa mga pageant sa skul naming, marmi
rin akong nkilala at hindi ko makaklimutan ang shindig naming at dahil dito,
ditto nabuo ang samahang PARTY PIPZ..eto ung year na ayaw na naming mghiwahiwaly
dahil masydo kming npamahal sa isat isa,mgkakapatid na ang turingan naming.   

     At eto na ang Seniors,, eto ung pinaka Masaya para sa akin at ang aking adviser
ay si MRS. KATIGBAK.hindi makukumpleto ang 4th yr life ko pag wala ang aking mga
mababait at masasalaw na classmate,ang hindi ko malilomutan ung filed demo
naming kahit talo kami 1st time lnag naman un at ang saya kahit mainit
magpraktis sa oval at ditto ko rn nakilala ang tropa ng mga BOOGIE na masasalaw
naman talaga ..At isa pa kami ay sumayaw sa opening ng Sm san Pablo..lalo nah
ang SciCamp naming sobrang saya dahil madami challenges kahit nakakpagod yon ang
enjoy.ang also an gaming fieldtrip kahit medyo kokonti kami Masaya naman talaga
dahil naming and most of all ang mini Olympics naming mga 4th yr sobrs sobreng
saya  lalo na nung nanalo akong MS MINI OLYMPICS kasma na yon sa unforgettable
moments ko shooting pa nga nag sports ko nun and syempre champion kmi sa
basketball girls non baldahan ba namanJpti ang football kahit naulan go! Pa rn
eh at syempre ang JS prom naming hawaian team pa nga eh..saya non grave at
syempre kaya eto uing Masaya dahil ggaraduate na kmi eh.Ang buhay 4th yr ay
hindi madali pero napakasaya naman dahil ditto nabuo ang magandang samahan ng
4-F kya ako kahit anong mangyari proud to be 4 fearless!!! Hindi ko sila
makakalimunatan






 
jowin
jowin alcantara




  Ang buhay ko ay puno ng madaming magagandang at masasayang karanasan sa buhay, nagpapasalamat ako ako sa Diyos dahil lagi siyang andyan para sa akin at pati sa mga taong nagging parte ng life ko,hindi ako magiging ganito kung wala sila kahit lumaki ako sa broken family,ayos lang dahil kahit papano madyo nagtagumpay na rin ako at nalamapasa ko nag mga problema na dumating sa akin.Ako si JOWIN ALCANTARA na simple lang na nangagngarap na pagdating ng araw na magiging isang SUCCESFUL FLIGHT ATTENDANT!

^_^